Ang orihinal kong plano ngayong hapon ay magbasa ng Musculoskeletal Physical Examination textbook at i-rewrite ang past lectures ko sa review center. Ngunit ako ay muling inatake ng katamaran. With an unlimited, free internet service mula sa SkyCable at sa aking katamaran na magbasa, napadpad ako sa site ni Jaymee Joaquin - ang babaeng masayahin at maingay na napapanood sa ABS-CBN tuwing hating-gabi. Nakakaaliw ang entry nya na entitled BOB ONG's PHILISOPHY on LOVE mula sa kanyang site kaya, ine-repost ko ito.

Basahin at mapaisip, mapangiti, matauhan o magising, matuto at higit sa lahat magmahal. Maligayang pagbabasa!

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo... Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka... Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan."

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka..."



----
Salamat Bob Ong, you're the best!
Posted by rehabman

8 comments:

onatdonuts said...

wow mantakin mo nga naman oh, fan ka pala ni Ka-bagang Jaime Joaquin haha sabagay maganda naman yang mga sinasabi ni kabagang tungkol pag-ibig.

__________

tama, may schedule kasi ang pagdating ng tren. Instant alarm clock nga sa umaga. haha ;-)

November 8, 2008 at 6:18 PM
rehabman said...

Hindi ako fan ni Jaymee Joaquin. Napadpad lang ako sa site nya at sa aking pagkakaintindi sa entry nya na ang mga pilosopiya ay mula kay Bob Ong. Hehehe.

November 8, 2008 at 6:21 PM
paperdoll said...

akala co nag iibigan si bob ong at jaymee eh. . sino nga ba ung jaymee?

November 8, 2008 at 7:11 PM
lucas said...

ahhh! xa pala yung nasa games uplate! yun ang pianapanood ko kung wala ng mapanood. hehehe!

ang lupit talaga ni bob ong pero paborito ko pa rin una niyang libro...

teka? ano bang profession mo ulit? musculoskeletal examination? may upcoming exam ka right?

good luck!

November 8, 2008 at 9:25 PM
rehabman said...

To paperdoll: Basta yung maingay na seksing bebot sa channel 2 kapag hatinggabi, si Jaymee Joaquin na yun. Siya din yung covergirl ng Playboy Philippines September 2008 Edition.

To roneiluke: Ako po ay isang proud Pinoy Physical Therapist na nangangarap na matupad ang aking American dream. Salamat :-)

November 9, 2008 at 3:24 AM
Rain said...

credits should be given to bob ong and not to this jaymee joaquin. it should be greatly emphasized in the site kasi baka isipin ng readers she's that brilliant and humurous when in fact all she did was to quote bob ong.

November 9, 2008 at 10:24 AM
rehabman said...

My apologies Rain. Hindi ko lang siguro na-emphasize masyado na ang mga pilosopiya ay mula talaga kay BOB ONG. Pero nararapat din naman KAHIT PAPANO na mabigyan ng credit si Jaymee Joaquin kc nga sa site nya ko nakuha ang mga PILOSOPIYANG ito.

Peace.

November 9, 2008 at 2:25 PM
onatdonuts said...

haha alam ko naman na si bob ong ang idol mo, inaasar lang kita kay jaymee joaquin haha

November 10, 2008 at 12:15 AM
Visit the Site
MARVEL and SPIDER-MAN: TM & 2007 Marvel Characters, Inc. Motion Picture © 2007 Columbia Pictures Industries, Inc. All Rights Reserved. 2007 Sony Pictures Digital Inc. All rights reserved. blogger template by blog forum